Huwebes, Marso 19, 2015

Mischievous Identity Chapter 3

Para sa mga readers at silent readers na walang sawang magbasa at bumabalik muli, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!! Mula yan sa kaibuturan ng aking puso. Salamat din sa mga nagcomment especially Kay Zean Benliro na na-hook agad sa ginagawa kong novela. Hope you all guys will never getting tired of reading my masterpieces. Tsaka nga pala dun sa nagbukas sa akin para magsulat ako, humihingi ako ng patawad dahil sa late kong pag-aupdate ng novel ko.. Bawi ako ahhh!! Hihi ... 

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL. 
____________________________________________________________________

KABANATA III

"Tita Tess!! Good Afternoon po!!"

Pinipilit kong sumigaw ng mga oras na iyon pero walang sumasagot. Maka-ilang beses ko na ring pinindot ang doorbell na malapit sa kaliwang bahagi ng gate nila ngunit pulos dinig ng dingdong lang ang aking naririnig. 
Bukas naman ang ilaw sa itaas, garantiya ko na nandun si Tita Tess sa taas.. 

Pinilit kong lakasan ang boses ko. Yung tipong ipit na at ibinuhos ang lakas nito sa ikatlo at maaaring huling pagkakataon. 

"Ahhh.. Jacob iho, ikaw na ba yan?? Tena't bababa lang ako saglit!!" 

"Sige po salamat po!!"

Dali-daling bumaba si Tita Tere. Pinagbuksan niya ang pintuan sabay lakad nang patulin para tunguhin ang gate at tuluyan nang pagbuksan ako.. 

"Ahhh sephie anak, pasok ka.. Pasensiya na kung di kita narinig ahh.."

"Walang anuman po yun, saglit po, matanung lang? Kanino po yung sasakyan malapit po sa inyo?"

"Ahh ehhh.. Hmmm tumuloy ka muna at mukhang marami-rami tayong pag-uusapan."

Pinatuloy ako ni Tita Tess sa bahay nila. Asensado na si Jacob. Simula nangibang bansa silang dalawa ni Patrick ay unti-unti na nilang natutupad ang pangarap nila. Di tulad ko, isang hamak na call-center lang, di pa promoted, 3 years na nagtatrabaho sa kumpanyang minsan ay naging bahagi rin si Jacob. Madaming insecurities. Buti pa siya. 

"Ohh, Joseph, pahintay lang si Jacob dito.."

Biglang nagulat ako sa sinabi ni tita Tess.. Tama ba yung narinig ko? Si bessprend Jacob andito na sa Pilipinas?! 

Sinaway ko ang pakiusap sa akin ni Tita Tess na umupo. Di ko alam. Bigla sumilakbo ang muling pangungulila ko sa kanya. Grabeh halos 3 taon rin akong naghintay sa pagkakataong ito. Pulos chat at call lang sa viber at Skype ang ginagawa namin sa isa't-isa kasama si Patrick.. Nami-miss ko na talaga ang bonding naming tatlo! 

"Jacob anak, andito si Joseph!! Baba ka muna dyan!"

"Opo Mommy! Pahintay lang! Pasabi kay sephie namimiss ko siya sobra!!"

Si Jacob. Isa siya sa pinaka at sobrang matalik kong kaibigan. Bata pa kami nun nang simulang naging magka-close kami. Para kaming magkapatid. Nandun ako nung tinutulungan niyang hanapin ang one true love niyang si Patrick, maraming beses na siyang nasaktan, umasa at higit sa lahat namnamin ang sakit ng pagkawala ni Cheney na kaibigan rin namin. Marami na siyang napagdaanan. Kaya bilib rin ako dyan ehh.. 

Isang saglit ay biglang may humablot ng ulo ko patalikod. Tinakpan nito gamit ang mga kamay niya na nagsilbing piring sa mga mata ko. Bigla akong nagulat. Sino kaya yun?! 

"Well.. Look who's here!! Mahuhulaan kaya ako nito?!" Sabi ng boses na nangibabaw habang piring ako ng kanyang mga kamay sa aking mga mata. 

"I hate surprises ahhh!! Uuwi na ako! Sino ka ba?!"

"Are you sure?! Bahala ka!! Eto na yung moment na hinihintay mo!!"

"Asar naman ohhh!!! Ayaw ko ng pinipiring yung mga mata ko.. Masakit ehhh.."

Kaagad niyang tinanggal ang mga kamay niya, as I turned around to him, nagulat rin ako sa another surprises sa bahay ni Jacob. And guess what, di ko rin expected to!! 

"Tangina, Lei ikaw ba yan?! Hayopoop! KAMUSTA!!"

"Another surprises has just revealed!! Hahaha kamusta sephie-sep!! It's been a long while ahh!! Laki mo na!!"

"Bayag mo gago! Ahahaha!!"

Kinuha ko ang ulo niya at inipit ko mula sa aking mga braso. Ginulo ko ang buhok nito. Di sya nanlaban. Sa halip, tumawa lang siya nang tumawa sa ginagawa ko sa kanya.

"Lei! Tangina mo!! Sooobrang namiss kita!" Sabi ko habang nasa ganung posisyon.
 
Walang anu-ano bigla may humalik sa pisngi ko mula sa ganung pusisyon namin ni Lei. Napailing ako. 

"It's me Jacob! Kamusta!!"

"JACOOOB!! BESTFRIEND KO!!"

Kaagad kong binitawan muna si Patrick at sabay yakap sa nawala kong matalik na kaibigan ng mahabang panahon. 3 years. Matagal yun. Marami nang pagbabago. Halos lahat nagbago. Yung mga ibang pakikitungo sa akin ng mga kaibigan ko nagbago pero kaming tatlo ni Jacob at Patrick, kahit kailan ding hindi nagbabago. 

Umiyak ako habang kayakap ko si Jacob. Diniinan ko ang pagyakap sa kanya. Dinama ko ang pangungulila ng maraming taon sa kanya. 

"Ahem.. Baka magselos ako niyan.. Tama na muna yan sephie-sep!!"

"Hayaan mo na mahal ko.. He's just cherishing this moment. Alam ko na he's missing me so much, let's just take this moment for him after a long period of not getting him in touch."

"You just say so."

"Joseph.. Sabihin mo lang kung tapos ka na ahhh!!"

Kaagad kong binitawan mula sa pagkakagapos ng aking mga bisig si Jacob. Pinunasan ko ang mga mata ko na wari isang bata na sabik makita ang mga magulang nito mula sa ibang bansa. Kaagad na lumapit si Tita Tess sa amin para alukin kami ng makakain. 

"You know what bessie, marami kang dapat sabihin sa amin. Everything that happened after 3 years of not getting you in touch personally."

Agad muna kaming umupo mula sa black leathered na sofa nila. Agad na kinuha ni Jacob yung pagkain na nasa kusina nila para dalhin sa amin.

"Anak, sasaglit lang ako sa labas ahh.. Kayo na bahala muna kay Joseph! Treat him like a queen, este king pala!! Hahahaha!!"

"Mommy naman! As if na King talaga siya ehh katulad rin namin yan na queen din.." Sabi ni Lei na nagpapatawa habang papalabas si Tita Tess..

Kaagad na sinarado ni tita Tess ang pintuan. Kaalinsabay nun ay biglang dating si Jacob kasama ang mga snickers na ibat-ibang flavors at isang pitsel ng malamig na iced-tea. 

"Joseph, matanung lang, Kamusta na nanay mo? Si tatay Kamusta na rin?! Si Jonathan yung kapatid mo?!"

"Bessie, si tatay, lumalala yung sakit niya ngayon. Di ko nga alam yung gagawin ko dahil kulang talaga kami sa pinansyal. Si Jonathan naman graduating na rin sa May ng college. Si nanay ayun, todo kayod pa rin sa trabaho. Kinakamusta ko pa rin siya through skype. Balak ko na rin magresign as call center, pagkatapos maka-graduate ni Jonathan."

"Wag muna Sephie! Kailangan nyo rin ng financial support. Tsaka ka na magresign kung stable na kayo... Hmmm bakit? Nahihirapan ka na ba?"

"Ewan ko ba..parang gusto ko nang sumuko sa hamon ng buhay. 
Prangkahan toh ahh.. Alam mo Bessie, naiinggit ako sa kung anong meron ka. Magandang buhay. May asawa ka tapos andyan si Tiffany sa inyo.. May business ka samantalang ako, umasa, pinaaasa at higit sa lahat, nawawalan na ng pag-asa dahil ambigat sobra ng buhay ko. Wala akong masandalan. Kayo lang. Mga barkada natin mukhang pinabayaan na nila ako. Si Shaine, pupunta lang para makibalita sa inyo. Si Gino, mahilig makipag-fling sa akin kahit alam kong ayaw ko na sa kanya in the first place. Di ko alam kung anong gagawin ko Jacob.."

Agad na tumulo ang mga luha ko sa sobrang bigat ng nadarama ko. Ang hirap maging tao. Lalo na sa sitwasyon na nasa yo na lahat ng problema at ang tanging sulusyon mo lang pansamantala ay umiyak. Mahirap. Napakahirap. Daling binigyan ako ng panyo mula sa bulsa nya si Jacob. 

"Kaya mo yan! Ano ba naman na matalik tayong magkaibigan. Syempre di kita pababayaan! Mahal ka namin ni Patrick tandaan mo yan."

"Tsaka isa pa... Jacob, tinulungan mo ako since wala na talaga akong pag-asa kay Big bro ko.. You filled a lot to survived our love out of everything. Para ka na ring kasama sa family natin kaya bakit ka nag-iisip ng ganyan." Aniya ni Patrick na sinusuyo akong lambingin despite of tears that I am showing to them. 

Inalok akong muli nina Jacob kumain ng snickers. Siya na rin ang nag-pour ng iced tea mula sa baso ko. Si Patrick naman ay biglang tumabi rin sa akin at pinapakalma pa rin ako. 

"Kwento ko na rin sa inyo si Jeremy. Kilala nyo sya diba?!" Sabi ni Patrick.

"Oo kilala namin yan ni Sephie, diba seph.."sabi ni Jacob. 

Habang binubuksan ko muli ang pangalawang snickers ko, may anong nag udyok sa akin para alalahanin ang mga pinagdaanan namin ni Jeremy simula nung bigla siyang nawala sa buhay ko. Mahirap mawari, sa kabila ng pagmamahalan namin ay bigla siyang naglaho ng ganun na lang. Walang pasintabi. Walang paalam. 

"Ahh yun, ba.. Pasensiya na pero ayaw ko munang I-open yung topic na yan sa ngayon. Ang sa akin lang ay ang pamilya ko. Kailangan kong iahon sila mula sa hirap na narararanasan namin ngayon. Mahirap ang buhay. Lalo na pag di mo ito enjoy." 

Marahang sumakit ang tiyan ko sa di mapaliwanag na pangyayari. Napahawak ako sa kanang bahagi ng tiyan ko. 

"Ohh Joseph ayos ka lang?!" Alalang sabi ni Jacob. 

"Ahhh ayos lang ako.. Medyo sumakit lang yung inoperahan sa akin 3 years ago.. Lagi namang ganito yan ehh.. Tsaka sanay na ako.."

"Oo nga ehh.. Bat kasi ikaw pa ehh.. Dinaig mo pa ako sa sobrang kabaitan mo ahhh.."

"Para kay Jeremy, kakayanin ko toh.."

"Hmmm kelan restday mo? Alis tayo.."

"Saturday and Sunday lang ako pwede ehh.. Sayang linggo ngayon.. Bka next week pwede pa.. Hmmm.. Matanung lang, hanggang kelan ba kayo dito sa pinas?!"

"We gonna spend the whole year here! Babawi kami!"

"Ehh pano yung trabaho mo?!"

"Simple lang, dito na muna namin gagawin yung work namin. Patrick has decided to work here in Manila for one year and also me."

"Ahhh ganun.."

Habang nag-uusap ay biglang dumating si Cheney sa harapan namin. Grade 3 na si Cheney at mas lalong tumangkad siya. She really speaks english very flamboyantly in an American way. Accent indeed! 

Tumagal ang pag-uusap at pangkukulitan namin nina Patrick at Jacob. Di ko inda ang bawat problema pag andyan sila. Sana di lang isang taon kami magkakasama.. Nakakapanghinayang na sa isang taon na nandito sila ehh di ko naman susulitin. 

Alas dose na nang gabi nang nagyaya si Patrick ng inuman. Di ako tumanggi. Gusto kong I-celebrate ang mga naiwang alaala na kasama sila. Isang pamilya sa isang bahay na minsan na akong lumaki at nangarap kasama nila. 

Natapos ang inuman ng alas singko ng umaga. Bulagta ang lahat. Kahit ako di ako pinalampas ng tawag ng espiritu ng alak. Kulang na lang ay gumapang ako palabas sa bahay nila para maihatid ako sa amin. Di pumayag si Tita Tess. Siya na raw bahala magpaalam sa nanay ko. 

Habang nasa sofa nila, hindi ko namamalayan na unti-unting bumabagsak ang mga luha ko. Di ko alam. Manhid na ako sa ganito simula nung nawala si Jeremy sa buhay ko pero bakit siya at siya pa rin ang pilit na tinatatak ng puso ko gayong masaya naman ako sa piling ng mga bestfriends ko? Ramdam ko sa kaibuturan ng puso ko ang kirot at bugso ng bawat hapdi na nadarama ko sa tuwing nababanggit ang pangalang Jeremy sa mga Usapan ng barkada ko. 

Ang mga luhang kanina ay pabugsu-bugso ay ngayo'y dumadaloy sa pisngi ko ng malaya kaalinsabay ng paghikbi ko sa pag-iyak. Malakas yun at sa tuwing umiiyak ako, kailangan ko ng masasandalan. Hindi. Ayaw. Kailangan kong maging matatag. Buti na lang at mag-isa ako dito sa ibaba ng bahay nina Jacob at malaya akong nailalahad ang bugso ng damdamin na ilang taon ko na ring naipon. 

Ilang saglit lang ay may mga yabag na mula sa itaas na ako ay naririnig. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ito. Di ko alam ang gagawin ko. Kaagad kong pinunasan gamit ang kumot na hiniram ko kay Jacob ang mga luhang natamo ko. 

Kaagad kong tinalukbong ng kumot ang buo kong ulo. Pagkatapos ay gumilid ng bahagya para di mapansin na ako ay umiiyak. Ang kaninang mga yabag ay unti-unting lumalapit sa akin. 

"Joseph, ikaw ba yan?!"

Nabosesan ko. Si Jacob. Agad kong inangat nang bahagya ang kumot. Pinagmamasdan ko siya. Nang walang anu-ano, bigla siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

"Alam ko ang nararamdaman mo bessie.. Kahit tahimik ka lang at di ka open sa akin, alam ko ang nilalaman at bumabagabag sa isip mo."

Habang pinagmamasdan niya ang mukha ko ay bigla akong naiyak ulit. Ewan bahala na! Wala na talaga akong magagawa kundi ilabas ang sama ng loob dahil sa tinatamasa kong problema ngayon. 

Biglang hinipo ni Jacob ang mukha ko. 

"Tahan na sephie!! Makakaya mo yan. I know in god's time you will succeed of what the same thing I did before.. Maniwala ka sa forever, sephie ko. Wag kang susuko.."

Di ko na napigilan ang sarili ko. Di ko na dinaya ang sarili ko. Nagising ako. Napayakap ako kay Jacob. Madiin. Ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa panamagitan ng walang kamatayang pag-iyak ko. Kahit na basang-basa na ang pajama uniform niya ay di nya alintana yun para sa kanya. Kaagad niyang hinimas ang likuran ko habang umiiyak. 

"Bakit Bessie ko!! Bakit iniwanan ako ni parekoy?! Siya lang ang tinitibok ng puso ko simula high school pa tayo! Bakit nya ako iniwan."


"Alam mo na nangyari na sa akin yan bessie. Nagmahal. Umasa. Nasaktan. Umasa. Naghintay. Ganun lang naman talaga ang pag-ibig ehhh.. Pag di mo sinabayan ng pagmamahal ang pag-ibig, di mo nararamdaman ang kahulugan nito. Umasa ka lang sa binitawang pangako niya.. At kung hindi mo na maramdaman sa puso mo siya, dun ka na magdesisyon na ayon sa puso at kaluluwa mo. 

Tama Si bessie. Ayon sa pangangailangan kaya ako nagmahal. Nagmahal ako dahil kailangan ko siya, at di ako magsasawang mahalin siya kahit ni isang paramdam ay wala talaga. 

Biglang hinawakan ni Jacob ang dalawa kong mga kamay at pinisil niya ng bahagya. 

Maaari mo bang ikwento ang lahat ng nagsimulan nyo ni parekoy mo?! Di ko alam lahat for the record.. Andito na ako kaya kailangan mo rin magkwento sa akin though I know in some way I knew the story of yours.."

Bigla akong nanahimik ng sandali. Agad akong pumwesto sa harap nya at sinimulang inilahad ang lahat tungkol sa amin.. 



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento